Noong uang panahon may isang tribo ang naninirahan sa kabundukan ang tribo Totniao. Ang tribong Totniao ay napaka-energetic at tila araw-araw na umiinom ng energy drink dahil di nauubos ang kanilang enrgy. Araw-araw nakasanayan na nila na magtakbuhan, umakyat ng puno ng mangga, pumitas ng mga prutas, magtakbuhan ulit papunta sa ilog upang humuli ng isda gamit ang bibig, pagkatapos ay tatakbo ulit papunta sa bundok ng walang hingal hanggang dilim. Ngunit mayroong tinataglay na isang kapintasan ang tribo Totniao at yun ay ang kanilang pagiging mayabang biruin mo ba naman pati ba naman sa pag-ihi ay may nagaganap na yabangan sa pagpapataasan nito. Isang araw may isang matanda na naligaw sa lugar ng mga Totniao agad-agad na pinalibutan ng tribo ang ligaw na matanda. “Sino ka? At ano ang ginagawa mo dito?” sabi ng isang Totniao. “Uhaw na uhaw na ako maaari ba akong makainom ng kahit isang shot lang ng tubig?” tugon ng ligaw na matanda. Totniao:”Hoy tanda sige pero kailangan maabutan mo ako sa pagakyat ng bundok!” Matanda:”Pero matanda na ako kulang na sa calcium ang buto ko di ko na kakayanin ang pagakyat ng bundok. Nagmamakaawa ako painomin mo na ko ng tubig isang shot lang kahit di mineral.” Totniao:”Sige pero kailangan mong maabot ang bsao sa tuktok ng ng puno.” Pero lingid sa kaalaman ng Totniao ay ang inaakala nilang ligaw na matanda ay isa palang Enkantado. Matandang Enkantado:”Malulupit kayo!Upang matuto kayo parurusahan ko kayo!” At sa isang kampay lang ng kanyang mahiwagang tungkod ang dati-rating maenergetic na Totniao ay nanghina. Si Gu Wendelto ay di makakapayag. Sa kanyang isipan ang kanyang sasabihin sa matanda ay “Hoy,tanda pag ako nakatayo dito ihahampas kita sa bakod. Pero dahil sa siya ay nanglalambot na ang nasabi nalang niya ay PAG…OD. At simula noon ang pagkaramdam ng panghihina ay tinawag na na PAGOD. The End!
ikaw ba yung nasa pic?wow..pano ako mag message?like anko yung una?and the music?teach me sorry!!
Alamat ng Panget Noong unang panahon, isang tribo ang naninirahan sa kagubatan, ang tribo n yun ay ang tribo ganda. Isang araw upang makuha ang kanilang mga pagkain inutos ng kanilang pinuno na si Gandava na pumila, ng kanyang mapansin na ang isa nilang katrbo ay di maganda kanyang tinanong sa lahat “Sino yung pang-eight sa pila? At simula noon ay pang-eight na ang tawag sa di maganda at kalaunan ay naging panget. The End!













